Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pacman merong comeback fight

0 58

UMIINIT na ang bangayan sa politika dahil sa napipintong pagsisimula ng campaign period para sa 2022 National Elections.

Alam nating lahat na nagpahayag na ng pagreretiro sa boksing si Manny ‘Pacman’ Pacquiao upang lumahok sa Presidential Elections kalaban sina Senator Ping Lacson, Vice President Leni Robredo, former Senator Bongbong Marcos, Manila Mayor Isko Moreno at Senator Bato Dela Rosa.

Walang kuwestiyon sa sinseridad ni Pacman na maglingkod at tumulong sa bayan.

Gayunman, iba ang boksing sa politika. Madumi, maingay, masalimuot, traydor.

Tanging masasabi lang natin ay good luck Manny pati na rin sa iyong mga makakatunggali.

Pero bakit hindi ako kumbinsido na goodbye na talaga sa boksing ang Pambansang Kamao?

Bakit malakas ang kutob ko na kung sakaling matalo sa panguluhan si Pacman sa Mayo 2022 ay magdedesisyon itong magkaroon ng comeback fight.

Totoong medyo hindi impresibo ang performance ni Pacquiao kontra Yordenis Ugas noong Agosto 21 sa Las Vegas kaya nalasap nito ang unanimous decision loss at bigong mabawi ang WBA super welterweight belt.

Pero kitang malakas at may ibubuga pa ang Pinoy boxing idol.

Malay natin, kung mabigo siya sa eleksiyon, magbago ang ihip ng hangin at biglang magutom ulit si Pacman sa bugbugan, aba’y nakakatakot ‘yan para sa sinumang makakalaban niya.

Tiyak ko, lintik lang ang walang ganti kapag nagkataon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.