Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pacman inurot muling umupak

0 58

GUSTO ni Mexican coach Memo Heredia na lumaban pa si eight-division world boxing champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Naniniwala kasi ang world renowned mentor na kaya pang kumasa ni ‘Pacman’ basta mabigyan lang ng tamang ensayo. “Manny can (come back and win) if he does proper conditioning training,” sey ni Heredia sa lumabas na ulat.

Si Heredia ang naging susi ni Yordenis Ugas para matalo sa kanyang huling laban ang ‘Pambansang Kamao’ kung saan naniniwala itong kapos sa paghahanda ang Pinoy ring icon kaya ito naolats.

“I trained (Yordenis) Ugas for Manny fight. Ugas was too strong and unfortunately, in my opinion, Manny wasn’t prepared right physically,” anang trainer.

Kasabay nito ay inurot ni Memo si 43-anyos Pacquio na makipag-upakan uli sabay alok pa ng kanyang serbisyo. “Manny Pacquiao, why did you retire? One more fight, come one. This time we do it with Memo time.” (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.