Una sa Balita

Pacio babakuran ang 115-lb crown

0 543

Nagliliyab na upakan ang muling masisilayan sa ONE Championship ngayong 2019.

Nitong nakaraang Nobyembre sa ONE Conquest of Champions na ginanap dito sa Manila, nasilayan ng Mixed Martial Arts fans kung paano pinagulong ng mga Pinoy fighter ang kanilang katunggali sa pangunguna nina world heavyweight champion Brandon Vera at Edward Folayang.

Muling mapapanood ang mga Pinoy sa Enero 19 sa ONE: ETERNAL GLORY na gaganapin sa Istora Senayan sa Jakarta, Indonesia.

Walang gaanong malalaking pangalan na magbubugbugan pero tiyak na marami pa rin manonood dahil mga Fi­lipino fighter ang lalaban.

Nakatakdang depensahan ni 115 lbs. strawweight champion Joshua “The Passion” Pacio ang kanyang titulo laban kay Yosuke Saruta ng Japan.

Sa unang iskedyul, si Hayato Suzuki sana ang kanyang makakalaban sa pagdepensa ng kanyang korona pero nagkaroon ng injury ang Japanese fighter.

Pagkakataon sanang makabawi ng tubong Baguio City Pacio kay Suzuki, yumuko ang Pinoy nang magkaharap sila noong August 2017.

Sasalang din sa cage ang isa pang Pinoy na si Edward “The Ferocious” Kelly, makakatapat niya si 20-year-old Christian “The Warrior” Lee ng Singapore. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy