Una sa Balita

PACC nilinis si Piñol sa bintang ng katiwalian

0 329

LUSOT sa bintang na katiwalian si Agriculture Secr. Manny Piñol makaraang maglabas ng clearance ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na naglilinis sa pangalan nito sa bintang na unexplained wealth.

Batay sa inilabas na pahayag ng PACC, sumailalim sa pitong buwang lifestyle check si Piñol at walang nakita ang komisyon na mayroon itong hindi maipaliwanag na kayamanan.

Ayon kay PACC Chairman Dante Jimenez, boluntaryo ding nagpasailalim sa lifestyle check ang kalihim matapos pagbintangang nakinabang sa mga transaksyon sa kanyang tanggapan.

Ang lifestyle check kay Piñol ay sinimulan noong Nobyembre 2018 sa tulong ng Anti-Mo­ney Laundering Council (AMLAC), National Bureau of Investigation (NBI), Land Transportation Office (LTO), Land Registration Autho­rity (LRA) at iba pang partner na ahensiya ng komisyon.

Pinapurihan ng PACC si Piñol dahil sa halip na mag-ingay at idepensa ang sarili sa media kaugnay sa bintang na katiwalian, boluntaryo nitong binuksan ang kanyang bank records at financial documents sa mga imbestigador.

“The PACC commends secretary Piñol for coming forward and volunteering to be subjected to a thorough lifestyle check and investigation following allegations that he benefited from transactions in his capacity as Secretary of the Department of Agriculture,” ani Jimenez.

Ang pagboluntaryo ni Piñol para maim­bestigahan ng PACC ay nagbukas din aniya sa iba pang opisyal ng administrasyong na sumunod sa kanyang yapak at kusa na ring nagpapasailalim ngayon sa lifestyle check.

Sinabi ni Jimenez na nakatakda nilang isumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon na naglilinis sa pangalan ni Piñol sa ano mang pananagutan kaugnay sa bintang na katiwalian.

Ikinatuwa naman ni Piñol ang paglilinis sa kanya ng PACC at sinabing parang nabunutan siya ng tinik.

“Today, I feel relieved. In fact, I am overjoyed and overwhelmed,” sabi niya.

Inaalay daw niya ito sa kanyang pamilya, mga anak, apo, mga kaibigan at lahat ng mga nagmahal at sumusuporta sa kanya. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy