Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PACC, NBI sanib-puwersa! PhilHealth, Red Cross deal iimbestigahan

0 250

Bubuo ng task force ang Presidential Anti-Crime Commission (PACC) para mag-imbestiga sa umano’y irregularidad sa transaksiyon sa pagitan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Philippine Red Cross (PRC).

Sinabi ni PACC Chairman Greco Belgica na hihingin nila ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para mapabilang sa komposisyon ng task force sa layuning malabilis ang imbestigasyon sa PhilHealth-Red Cross deal.

Isa sa unang bubusisiin ng task force ay ang multi-million pesos Memorandum of Agreement (MOA) para sa COVID-19 testing na nag-umpisa nakalipas na taon.

Sinabi ni Belgica na hawak na nila ang kopya ng MOA sa pagitan ng Red Cross at PhilHealth.

Kasama rin sa aalamin ng task force kung nagsusumite ba ng annual report ang PRC sa Office of the Executive Secretary alinsunod sa itinatakda sa batas.

Matatandaang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang malaman kung maayos ang libro ng PRC lalo na sa kalagayang pampinansiyal nito.

Hindi nagustuhan ng presidente ang tila pagbabanta ng PRC sa gobyerno para bayaran ang serbisyo sa swab testing sa mga umuwing overseas Filipino worker sa bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.