Una sa Balita

Pacboy todo iwas sa hiwalayan kay Heaven

0 487

Usap-usapan na nga ang break-up umano ng young lovers Jimuel Pacquiao aka Pacboy (anak ni Pacman) at Heaven Peralejo. Si Heaven umano ang nakipaghiwalay dahil ‘di na raw nito kaya ang pagi­ging mahigpit ni Pacboy sa kanyang pananamit, at sa mga komento nito sa usaping relihiyon, of which ay known ang pamilya Pacquiao na sobrang religious.

Upang malinawan ang isyu ay kinuha na ni Abante columnist Jun Lalin ang pagkakataon nang ma-interview si Jimuel na kasalukuyang nasa Las Vegas upang suportahan ang kanyang ama na lalaban ngayong Linggo, via online show niya na “Anything Goes w/ Jun Lalin.”

“Well siguro po, sa amin na lang po ‘yun, for the meantime po, privacy,” tila pag-iwas ni Jimuel na sagot kung totoo bang hiwalay na sila ni Hea­ven. Mas ganado pa itong sumagot tungkol sa pagsuporta niya sa kanyang ama sa laban kontra Keith Thurman.

Nag-unfollow na nga sila sa isa’t isa sa Instagram. May bahagi naman ng vlog ni Heaven kung saan nililinaw nito ang mga sabi-sabi ng ibang tao sa kanya tungkol sa pagiging “gold digger”.

Itinanggi niya ito at ipinaliwanag na nagsisikap siyang magtrabaho para sa kanyang pamilya kaya napapaisip siya kung bakit iyon ipinaparatang ng mga tao sa kanya.

Pagkatapos ay nadulas nga ito at sinabing “ex” pero hindi na ipinagpatuloy ang pangu­ngusap na kanyang sinasabi. “Maybe because sa ex ko — ay,” sabi ni Heaven. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy