Una sa Balita

‘Pacboy’ Jimuel ‘di kuntento kay Heaven

0 522

Panahon talaga ng breakup ngayon. Kaliwa’t kanan kasi ang mga balitang hiwalayan.

Nauna na ngang napabalita na hiwalay na sina Heaven Peralejo at Jimuel ‘Pacboy’ Pacquiao. Pero agaw-eksena at kontrobersyal talaga hanggang ngayon ang hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson kung saan dawit si Julia Barretto. At heto nga, mainit na pinag-uusapan din ang breakup daw nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Anyway, hindi lang si Julia ang bumasag ng kanyang katahimikan mula sa mga isyung bumabalot sa kanya. Humakbang na rin palabas ng comfort zone si Heaven Peralejo para ihayag ang kanyang saloobin tungkol sa breakup nila ni Jimuel.

“Sabi po kasi ng mom ko… ‘Don’t ever let anyone make you feel that you are not enough because you are (enough).’ And when that happens po it’s time to let go,” sabi ni Peralejo sa interview sa kanya sa “Magandang Buhay”.

Pero nang tanungin naman ito tungkol sa kumpirmasyon sa breakup nila, sinabi nitong mas mabuting tanungin na lang si Jimuel.

Matatandaang sa isang vlog ay nadulas itong banggitin ang salitang “ex” nang pag-usapan ang tungkol kay Jimuel. (Athen­a Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy