Una sa Balita

Pac-May 2 tuloy sa Japan

0 892

Kinumpirma ni Floyd ‘Moneyman’ Mayweather, Jr. na matutuloy sa Japan ang muling paghaharap nila ng mahigpit na karibal na si Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Pero ‘di lamang tukoy kung sa ibabaw ng ring boksing muling magkakasukatan ang dalawang bantog na boksingero.

Sa Instagram post ni ‘Money’ Mayweather, sinabi niyang isa sa mga pinaghahandaan niya ngayon ay ang ‘exhibition’ umano nila sa Tokyo, Japan.

“What I’m working on right now is the Mayweather-Pacquiao exhibition right here in Tokyo, Japan. Stay tuned,” ayon sa undefeated boxer tangan ang 50-0 record bago nagretiro.

Sa panayam naman kay ‘Pambansang Kamao’ ng Philippine Star, nagtataka siya sa sinabing exhibition ng American, dapat aniya ay klinaro nito kung boksing ang kanilang paglalabanan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy