Una sa Balita

Pabuya sa 4 militanteng lider, planong itaas sa ₱2M

By
0 178

Planong itaas sa P2 milyon ang iniaalok na pabuya para sa pag-aresto sa apat na militanteng lider.

Ito ang  reaksiyon ni  Atty. Ferdinand Topacio kahapon sa pasaring ni Bagong Alyansang Ma­kabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes na ang iniaalok na P1 milyong pabuya ay isang PR gimmick at ‘lame publicity stunt’ lamang.

Magugunitang nitong Sabado ay naglabas ng P1 milyong pabuya ang grupong Citizen’s Crime Watch (CCW) para sa sinumang ma­kapagbibigay ng impormasyon sa pinagtataguan nina dating Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Teo­doro Casiño, dating Gab­riela Representative at ngayon ay  National Anti-Poverty Commission (NAPC) head Liza Maza, dating Agrarian Reform Secretary, at Anakpawis Rep. Rafael Mariano. (Dolly Cabreza)