Una sa Balita

Pabrika sa India nasunog, 43 patay

0 353

Hindi bababa sa 43 katao ang nasawi sa isang factory fire sa New Delhi, India kahapon ng umaga.

Nabatid na nasa halos 50 katao ang na-rescue ng New Delhi Police.
Nangyari ang sunog sa maliliit na manufacturing at storage unit habang natutulog ang factory worker sa isang 4 o 5-story building.

Sa ulat pawang school bag at packing material ang laman ng gusali, ngunit hindi pa rin natukoy ng mga opis­yal ang pinagmulan ng sunog.

Tiniyak naman ng mga awtoridad na naa­pula na ang sunog ngunit tuloy-tuloy pa rin ang rescue operation.

Nahirapan umano ang mga bumbero na dumaan sa madilim na mga eskinita ng Sadar Vazar.

Marami umano ang nasawi dahil karamihan sa mga biktimang empleyado ay nagtitipid kaya sa kanilang trabaho na lamang natutulog nang sumiklab ang sunog. (RC)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More