Una sa Balita

Pabrika ng pekeng makeup sa Davao nilusob ng CIDG

By
0 287

NASAMSAM ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 11 ang may P5 milyong halaga ng mga iligal na cosmetic equipment at tool na gamit sa paggawa ng mga cosmetic sa isinagawang pagsalakay sa isang subdivision sa Indangan, Davao City.

Ayon kay PCInsp. Milgrace Driz, head ng CIDG 11 Davao City Field Unit, isinagawa ang pagsalakay sa Blk. 7 Lot 6&7, Phase 1, Talisay St., Deca Homes Subdivision, Indangan, Davao City sa bisa ng search warrant na inisyu ni Regional Trial Court Branch 16 Executive Judge Emma­nuel Carpio laban kay Marvin Rey Marba dahil sa paglabag sa RA 9711 na kilala bilang paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009.

Nabatid na ang operasyon ay bahagi ng Oplan Olea campaign para mahinto ang isinasagawang economic sabotage ni Marba.

Kasama ng CIDG 11 sa isinagawang simultaneous operation ang Buhangin Police Station kung saan naaresto sina Nelibeth Loro Marba, 30; Charish Buenaventura Malvez, 31; at Franz Kevin Burgos Gaslang, 30, habang ang target na si Marvin Rey ay wala sa lugar nang isagawa ang operasyon.

Isinagawa naman ang pag-imbentaryo sa nasamsam na produkto sa harap ng mga Food and Drug Administration (FDA) personnel at Barangay Kagawad Peregrine Sombilon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy