Una sa Balita

Pabrika ng masustansiyang snack itatayo sa Pangasinan

0 147

Itatayo sa bayan ng Bayambang, Pangasinan ang isang pabrika na gagawa ng masustansiyang snacks mula sa kalabasa, okra at sibuyas.

Nabatid na ang mga masustansiyang chips ay itataguyod ng One Food Coporation sa tulong ng tek-nolohiya ng

Pangasinan State University- Department of Science and Techno-logy Food Innovation Center (PSU-DOST FIC).

Sinabi ni Mayor Cezar Quiambao ,ang pabrika ng masustansiyang snacks at iba pang produkto na gawa sa gulay ay ilalagau sa 2,000-square-meter agricultural center ng bayan at sa Barangay Amancosiling Sur.

“We convinced the corporation to adopt the products of PSU-DOST FIC. From the many products, they will start with squash, onion and okra chips and tomato paste since these are abundant in our town. They will start next month to mass produce but they will use the facilities of PSU-DOST FIC,” ayon sa alkalde.

Sinabi pa ng alkalde na sunimulan na ang maigting na backyard gardening program para masuplayan ng mga raw materials na gulay na gagamitin sa paggawa ng masustansiyang snacks.

“We are urging all residents to plant. We have provided them seeds and seedlings to plant in order to meet the demand. This is a big help because farmers and residents will have a permanent market of their produce. And also it is a big help since we are adding value to the agricultural products and there will be more employment opportunity for the people here when the factory finally opens,” ayon pa kay Quiambao.
Target din ng produkto na maipasok ito sa export market.

Samantala,sinabi ni DOST provincial director Felicidad Gan,ang kanilang tanggapan ay nagkakaloob ng kagamitan para sa food innovation at patuloy na sumusuporta para sa pag aanalisa , nutritional facts, shelf life testing, at competitive packaging materials. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy