Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paboritong staff ni cong, may puganteng tatay

0 321

Sino daw itong miyembro ng Kamara de Representante ang may staff na ang tatay ay pugante matapos makapatay?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na ang tatay ng staff ay murder convict at nagtatago umano sa kapatid na idinadawit din sa pagpatay sa sarili nitong mister.

Pilit daw na itinatago ng staff ang sikretong ito sa kanyang boss dahil baka makaapekto ito sa kanyang trabaho, lalo na sa imahe ng politiko lalo pa at papalapit na ang halalan. Favorite pa naman siya kaya napakataas ng puwesto sa opisina ni cong.

Ang tatay ng naturang staff na ito ay nahatulan ng murder pero hindi pa nakakulong dahil kasalukuyang at large o nagtatago. Pero tuwing may malaking okasyon ay makikita ang naturang convict na kasama sa mga litrato ng selebrasyon ng pamilya.

Alam kaya ni congressman mula sa Bicol region na isa sa pinakamataas nyang staff ay may dugong kriminal? Ano kaya ang gagawin ng politiko sakalit malaman nya ito?

Pintahan nyo na. Ang staff ay nagtatrabaho sa isang congressman na may L as in libog o uragon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.