Una sa Balita

Pablo, Motolite winalis ang Pacific Town Army

0 346

KUMAPIT ang Motolite Power Builders sa No. 3 spot ng team standings matapos silang akbayan nina Myla Pablo at Diana Carlos sa 25-21, 25-23, 25-14 panalo kontra Pacific Town-Army Lady Troopers sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Hindi na pinatagal ng Power Builders ang laban, winalis nila sa tatlong set ang Lady Troopers upang ilista ang 10-5 karta at saluhan sa third spot ang BanKo Perlas Spikers.

Swak na rin sa semifinals ang Power Builders pero kailangan pa rin nilang manalo sa kanilang huling laro upang umangat pa ng puwesto at makaiwas na makalaban ang No. 1 at undefeated Creamline Cool Smashers.

Sa unang dalawang set lang naglaro si Pablo pero nakapagtala ito ng 14 points kapareho ni Carlos at may pinagsamang 27 sa 43 attacks points ng Motolite.

Nagsalansan din si Carlos ng 10 digs at limang excellent receptions.

Pero tiyak na mapapalaban ang Motolite sa kanilang huling laro dahil kalaban nila ang Creamline na may 14-0 record.

Napahirapan sa first at second frames ang Power Builders pero magaan nilang nakuha ang panalo sa set 3 nang magsanib puwersa sina Carlos at Isa Molde.

Humataw ng back-to-back kills so Molde para ilista ang 24-10 sa third set.

Nag-ambag si Molde ng 10 puntos para sa Motolite.

Namuno sa opensa para sa Pacific Town Army (6-9) si Jovelyn Gonzaga na may 17 markers. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy