Una sa Balita

Pablo, Motolite nilaklak ang BaliPure

0 220

KUMAYOD si Myla Pablo ng krusyal na 12 points para hiranging best player sa pagpilota sa Motolite na higupin ang BaliPure, 25-9, 25-20, 25-19, Linggo ng hapon sa 3rd Premier Volleyball League Open Confe­rence 2019 elimination round sa The Arena-San Juan City.

May mahalaga rin si team captain, setter Iris Tonelada 4 markers at 17 excellent sets para sa Power Builders na namaneho ang back-to-back victory sa nine-tean midseason women’s volleyfest.

Bumakas pa si Isa Molde ng siyam na puntos para akbayan ng Motolite sa tersera sa team standings ang Choco Mucho sa 2-1 win-loss record at hilain pabulusok ang Purest Water Defenders sa 1-3 at mapako sa ika-7 puwesto.

Seroyosong humambalos na ang Motolite sa pamumuno ni Pablo sa opening set na sinustena para sa straight decision sa BaliPure na bigong sundan ang five set W sa Pacific Town Army sa nakaraang Miyerkoles.

Walang paglagyan ng galak niya si Godfrey Okumu sa kambal na ragasa ng Powerbuilders makalipas na bumalandra sa opening game kontra defending champion Creamline sa tatlong set.

“It feels good to win two games in a row even though we still have to work on a few things,” bulalas ng Motolite coach.

“BaliPure played well today, I can’t say that they’re an easy team to beat or an easy team to play against with because they serve pretty well, they are a strong serving team but our plan work well,” panapos ni Okumu.

Tanging si team captain Grace Bombita ang nakasampa sa double digit figure, 11 pts. para sa BaliPure. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy