Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pablo may balakubak

0 535

BUMUHOS ang kaaliwan sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga nitong Biyernes nang mapagkamalan ni comedian-actor Empoy si volleybelle Myla Pablo na isang modelo.

Sa ikalawang round ng segment, pinahulaan kay Empoy kung “Sinu-sino sa kanila ang naging model?”

Bukod kay Pablo, guest rin sa programa ang ilan pang Pinay at multi-awarded athletes na sina swimmer Jasmine Alkhaldi, tennis star Tin Patrimonio, Gilas Pilipinas women’s cager Ana Alicia Katrina Castillo, arnisador Ryssa Jezzel Sanchez, fencer Jylyn Nicanor at boxing champion Carleans ‘Chay’ Rivas.

Nang maitanong sa komedyante kung anong model ang sa tingin nito kay Pablo, humirit ito ng “shampoo ng balakubak”. (Abante Sports)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.