Una sa Balita

Pablo ganado, Motolite panalo

0 237

WINALIS ng Motolite Power Builders ang Chef’s Classic Lady Red Spikers, 25-22, 25-19, 25-19, kahapon sa 3rd Premier Volleyball League 2019 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Humampas si Myla Pablo ng 20 points, sa likod ng 17 attacks, kasahog ang tatlong blocks para ibigay sa Motolite ang unang panalo matapos yumuko sa Creamline nitong Miyerkoles.

Hindi naman pinalad ang bagong salta na koponan na Chef’s Classic upang kunin ang kanilang panalo para sa una nilang laro sa torneo.

Angat naman ang ranggo ng Power­ Builders kasama ang BanKo Perlas Spikers na may parehong 1-1 record habang ang Lady Red Spikers ay nananatiling nasa ibaba na may 0-1 baraha. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy