Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pablito Cabalejo walastik na hinete

0 80

ISA sa hinahangan na apprentice rider sa industriya ng karera si Pablito “Pabs” Cabalejo.

Nakapagtala na ng career 141 wins si 23-year-old Cabalejo sapol nang mag-umpisa itong sumakay noong 2018.

Ilan sa mga stakes race na kanyang ipinanalo ay ang 2019 PCSO Special Maiden Race kung saan ginabayan nito ang kabayong War Commander.

SM food to go Banner Ad

Nirendahan din nito si Tony’s Love nang ipanalo nito nakaraang taon sa naganap na PHILRACOM 1st at 2nd Leg ng 3-Year-Old Imported/Local Challenge Race.

“Magaling na hinete si Pabs (Cabalejo), makikita mo sa pagdadala niya kaya tingin ko kapag graduate niyan, Class A jockey siya,” saad ni Ricardo Mancenido, racing aficionado.

Nilista din ni Cabalejo ang 140 na second place at 128 na third place.

Sa ngayon ay pansamantalang itinigil muna ang karera hanggang Marso 31 at posibleng magbalik aksiyon agad sa April depende sa sitwasyon kung patuloy na mamiminsala ang coronavirus (COVID-19). (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.