Una sa Balita

Pabigat sa bulsa ng konsyumer ang Meralco, Atimonan deal

0 240

Walang idudulot na mabuti sa taumbayan ang nais pasukin na kasunduan ng Meralco sa umano’y pag-aari din nito na kompanya na Atimonan One Energy Inc. (A1E).

Ito ang punto ni Ba­yan Muna chairman Neri Colmenares kontra sa nais ng Meralco na ituring ng Department of E­nergy (DOE) bilang ‘E­nergy Project of National Significance (EPNS) ang naturang kasunduan.

“Declaring the Atimonan One power plant an EPNS is Meralco’s latest trick to get backdoor approval for the overpriced power supply agreement (PSA) that Meralco awarded without bidding to Atimonan One,” paliwanag ni Colmenares.

“The EPNS short-cut for Atimonan One, if approved, will be a mocke­ry of government’s rationale for facilitating the processing of energy projects with significant contribution to the eco­nomy,” dagdag pa nito.

Kapag itinuring ng DOE ang naturang kasunduan bilang EPNS ay mapapalusot ito sa loob lamang ng 30 araw dahil hindi na ito dadaan sa masusing proseso na tinawag nilang ‘Sweetheart Deal’.

“We do agree that the PSA between Meralco and A1E is indeed significant. However it is significant for the wrong reasons; and because of the wrong reasons, this contract should be scrapped,” saad pa ni Colmenares.

“For instance, the Meralco PSA will signi­ficantly increase the cost of Meralco electricity to P5.66 per kilowatt-hour, or up to P2/kwh more expensive than the rate declared by Meralco and A1E in their PSA application,” paglinaw pa ng Bayan Muna solon.