Una sa Balita

Pabida ng mga economic manager sa TRAIN 2 ‘wag paniwalaan

By
0 427

PINAALALAHANAN ng IBON Foundation ang mga mamamayan na huwag basta maniwala sa datos na inihahain ng economic managers ng administrasyon para mabigyan ng batayan ang planong pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and ­Inclusion 2 o TRAIN 2.

Ayon kay Sonny ­Africa, executive director ng IBON Foundation, hindi tumutugma sa actual statistics na nakuha ng IBON ang datos na inilalatag ng economic managers ng Pangulo, na pinagbabasehan nila upang aprubahan ang TRAIN 2 na nasa Senado na ngayon.

Wala aniyang garantiya na lilikha ng maraming trabaho ang TRAIN 2 lalo na at mahirap hulaan ang epek­to nito sa mga manggagawa.

Naniniwala ang IBON Foundation na ang TRAIN 1 ay ­naging malaking factor sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga panguna­hing bilihin kaya tumaas nang hanggang 6.7 % ang inflation.

Sa halip, aniya, kakaunti lamang o 5.5 milyong pamilyang Pilipino lamang ang nakinabang sa TRAIN ngunit mas malaki o 17.2 milyon ang hindi nabenepisyuhan ng mababang buwis o kaltas sa buwis ng ­income earner, ngunit malaki ang binabayad na tax sa mga bilihin.

Sa kalkulasyon ng IBON Foundation, 8 sa 10 Pilipino o 76% ang walang pera sa bulsa dulot ng TRAIN.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy