Pabida ng DOLE, binasag

By

Minaliit ng militanteng manggagawa ang ipinagmamalaki ng Department of Labor and Employment (DOLE) na malaking bilang ng mga contractual emplo­yees ang na-regular na sa kanilang mga trabaho.

Giit ng Kilusang Mayo Uno (KMU), walang dapat na ipagmalaki ang pamahalaan na tagumpay ang kampanya nito laban sa kontraktuwalisasyon dahil sa naitalang 45,605 na manggagawa na ang regular na sa kanilang pinapasukang trabaho.

“Workers cannot be expected to instantly rejoice over DOLE’s claim. 45,605 is just a small fraction of the estimated 24.4 million contractual Filipino workers. Worse, the DOLE’s drive only aims to regularize those hired under labor only contracting scheme while neglecting the fact that majority of contractual workers are employed under agencies through job contracting schemes,” sabi ni Elmer ‘Ka Bong’ Labog, chairperson ng KMU.


SHARE