Una sa Balita

PABIBONG FROG SA DAIG KAYO NG LOLA KO!

By
0 4

Non-stop ang pagbibigay ng Kapuso program na Daig Kayo Ng Lola Ko ng quality entertainment sa mga manonood dala ang mga kuwentong kapupulutan ng aral angkop para sa lahat.

Patuloy na tinututukan ito tuwing Linggo dahil sa mga special effects at sorpresa sa bawat episode.

Samantala, isang nakakatuwang kuwento na naman ang hatid ng programa kasama sina Kate Valdez bilang Angelika at Jeric Gonzales bilang pabibong frog sa episode ngayong Linggo (Hulyo 23).

Matapos kasing tulungan ng pabibong frog si Angelika na makuha ang nahulog niyang singsing sa balon, tatakasan niya ito dahil ayaw niyang tuparin ang usapan nila na patitirahin ito sa hacienda. Malalaman ito ng kanyang ama na si Don Armando (Gary Estrada) at maiinis sa kanya.

Dahil walang magagawa si Angelika, makikita niya ang pagbabagong anyo ng palaka na ma­ging si Frederick (Jeric Gonzales) habang nakatira ito sa kanila.

Ito na nga kaya ang simula ng kanilang pagkakaibigan o patuloy pa rin silang maging magkaaway na parang aso’t pusa?

Abangan ang kabuuan ng istorya ng Echoserang Senyorita and the Pabibong Frog sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo pagkatapos ng Hay, Bahay! sa GMA Sunday Grande.