Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pabibo ni Green kapos

0 43

NABALEWALA ang magandang laro ni Filipino-American guard Jalen Green para sa Ignite matapos malugmok kontra Long Island Nets, 97-109, Martes (Manila time) sa NBA G League bubble sa AdventHealth Arena sa Orlando, Florida.

Hindi sapat ang 21 puntos, apat na rebounds at tatlong steals ni Green upang buhatin ang Ignite sa panalo.

Matapos ang dikit na laban sa opening quarter, kumawala sa second period ang Nets 50-35, 3:50 mark at hindi na lumingon pa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nawalan din ng saysay para sa Ignite ang 16 markers ni Brandon Ashley, 15 points at 12 rebounds ni Donta Hall at 10 puntos ni Jonathan Kuminga.

Hangad naman makabawi ng Ignite, may 5-3 win-loss record, sa kanilang susunod na laban sa Biyernes (Manila time) kontra Memphis Hustle. (JAToralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.