Una sa Balita

Pabahay sa Pandi, ‘low quality’

By
0 222

Aminado ang dalawan­g opisyal ng Committee on Housing and Urban Development sa Kamara at Senado na mabigat ang problema sa mga housing units sa Pandi, Bulacan na inokupa ng mga miyembro ng Kada­may, mayroon umanong mismatch kaya naman sa kanilang ebalwasyon ay mainam na i-award na lamang ito sa ibang qualified beneficiaries.

Sa isinagawang ocular inspection nina House Committee Chairman Rep. Albee Benitez at Sen. JV Ejercito sa hou­sing units sa Pandi hindi na umano nakakapagtaka kung bakit hindi tanggap ng marami sa mga paying beneficiaries ng AFP at PNP ang pabahay sa Pandi dahil bukod sa walang basic services ay lubha itong maliit.

Bilang solusyon sa problema sa housing units sa Pandi, naghain ng House Resolution No. 11 sa Kamara si Benitez na nag-aatas sa NHA na i-award na sa ibang kwalipikadong benepis­yaryo ang housing units kabilang dito ang public school teachers, empleya­do ng mga LGU, brgy. employees at informal settlers at ipinauubaya na sa NHA ang pag-identify ng mga maaaring beneficiaries.

Kasama rin sa mga nagtungo sa Pandi, Bulacan para sa ocular inspection sina Magdalo Rep. Gary Alejano, Cavite Rep. Strike Revilla at Bulacan Cong. Gavini Pancho.

Hindi libre

Iginiit ni Benitez na hindi libre ang ibibigay na pabahay.

“They have to pay,” pahayag ni Benitez.

Ani Benitez, sa oras na matapos na ang profiling sa mga beneficiaries sa Pandi Housing na gagawin ng NHA ay agad nang ia-award ang unit at ang lilitaw na hindi kuwalipikado ay pwersahan umanong paalisin ng gobyerno sa kanikang inookupahan kahit pa man miyembro ang mga ito ng Kadamay.

Gayunpaman mayroon pa din ibang opsyon ang pamahalaan at pinag-aaralan ang programa na ‘House for Work’ o kailangang pagtrabahuan ng mga beneficiary ang kanilang ibabayad na upa.

“Kung wala sila pambayad, magtrabaho sila – pwede sa paglilinis o construction works” paliwanag pa ni Benitez.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More