Una sa Balita

Pabahay sa mga biktima ng Yolanda, konting kembot na lang

0 265

HALOS kumpleto na ang mga ipinapatayong mga housing unit para sa mga biktima ng Yolanda sa Region 6.

Ito ang inihayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei­ Nograles kasunod ng naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin na ang pagpapatayo ng mga housing unit para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Nograles, tiniyak na ng National Housing Authority (NHA) na tatapusin ang backlog para pagpasok ng 2020 ay maaari ng i-award ang mga pabahay.

“We are mindful of the deadline set by the President. He’s pushing pysical completion of the housing units by the NHA within 2019 and full turnover of livable units in the entire Yolanda corridor by 2020,” ani Nograles.

May mga housing unit aniya na wala pang tubig at kuryen­te kaya hiniling nila sa Local Water Utilities Administration (LUWA) at National Electrification Administration (NEA), pati na sa mga electric coope­rative na bilisan ang prose­so sa koneksiyon ng tubig at elektrisidad para magamit na ng maayos ang mga pabahay. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy