Una sa Balita

Pabahay sa Marawi victims minamadali

By
0 1

Minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng mga bahay para sa mga na­ging biktima ng giyera sa Marawi City.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, matapos ang isinagawa nitong inspeksyon sa mga evacuation centers kung saan pansamantalang naninirahan ang mga pamilyang lumikas dahil sa patuloy na giyera sa nasabing lungsod.

“The area being developed by DPWH in Barangay Sagongsongan, Marawi City, can accommodate 1,100 families,” sabi ni Villar.

“Currently, we are preparing a portion of the site where the National Housing Authority (NHA) can build a total of 275 transitory houses,” dagdag pa nito.

Aniya, aabot sa P241.69 milyon ang inilaan para sa land deve­lopment sa Sagonsongan Village.

“Once the sites are developed, NHA may begin the construction stage of the needed transitory shelters of Marawi siege internally-displaced persons (IDPs),” sabi ni Villar.