Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pabahay para sa mga Yolanda victim binigay na

0 102

Pormal nang tinurn-over ng Task Force Yolanda ang natapos na pabahay para sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Biliran, Biliran.

Sa isang virtual handover ceremony, binigay ni Task Force Yolanda chairperson Karlo Nograles ang 1,265 housing unit ng Yolanda Permanent Housing Project sa mga benepisyaryo.

Kabilang sa Yolanda Permanent Housing Project ang Divine Grace Village sa Brgy. Burabod (449 units) at San Antonio Village sa Brgy. Villa Enage (816 units) na tinurn-over sa mga benepisyaryo sa tulong ni Biliran Mayor Grace Casil.

Nanalasa ang Super Typhoon Yolanda sa bansa noong Nobyembre 2013 kung saan higit 6,000 katao ang namatay. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.