Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paano tulungan ang mga pinagdadaanang anak?

0 180

Noong nakaraang linggo, pinag-usapan natin ang mga senyales ng depresyon sa mga kabataan.

Bilang mga magulang, mahalagang pakiramdaman natin ang ating mga anak. Walang mukha ang depresyon, pagkabalisa at iba pang mental health concerns. Pwedeng itinatago nila ang pinagdaraan sa masayang personalidad.

Kung sila ay nabibigatan, doble pa ang bigat para sa ating mga magulang. Hindi man natin kayang buhatin ang kanilang problema, pwede natin silang tulungan para ito ay mapagaan.

Kung sakaling may pinagdaraanan sila, ano ang pwede nating gawin para maalalayan at suportahan sila?

1. Maglaan ng oras ng kwentuhan at kumustahan sa kanila. Make it a habit na may family time, na walang distraction at 100 percent ang atensyon natin sa kanila.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

2. Matutong makinig. Marami kasi sa ating mga magulang, mahilig kumuda. Sermon dito, sermon doon at di na pinapakinggan ang ating mga anak. Pero sa totoo lang, malaking bagay na ang may makikinig sa kanila. Walang paghuhusga at lubos ang pang-unawa. Nakakagaan ito ng loob.

3. Iparamdam na lagi kang bukas at available sa kanila. Alam kong abala tayo sa trabaho at iba pang responsibilidad sa pamilya at komunidad, pero hangga’t maaari ay kapag tumawag o nagtext o humingi ng oras para kayo ay makasama, siguraduhin nating maglalaan tayo ng oras para sa kanila. Sila ang ating prayoridad.

4. Kailangan ng napakahabang pasensya at pang-unawa. Tiyak na may resistance ang mga anak natin sa umpisa. Hindi yan magsasabi o mas magiging mailap pa yan. Pwedeng hindi kayo magkasundo. Pero huwag natin silang sukuan. Kung di sila expressive, ayaw nilang magsalita, samahan lang natin sila, sabayan natin ang trip nila kahit korean drama pa ito.

5. Hikayatin siyang humingi ng tulong. Help is here. Yan ang statement na pwedeng maging guide natin at ng ating mga anak. Kung hindi na tayo sapat para mapagaan ang kanilang dinadala, pwedeng kumbinsihin sila na lumapit sa mental health experts and professionals na pwedeng mas makatulong sa kanila.

Sa lahat ng ito, mahalagang nandoon tayo, sasamahan natin sila, at hinding-hindi natin susukuan.

Ang pagmamahal ng magulang sa anak ay hindi matatawaran. Ito ang magbibigay sa atin ng lakas ng loob para kayanin ang lahat ng pagsubok.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.