Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paano si Austin? Derek ‘di kayang mawala sina Ellen, Elias

0 424

Punong-puno ng pagmamahal ang birthday message ni Derek Ramsay sa kanyang Misis na si Ellen Adarna.

Halos isang taon na nga naman since nag-propose si Derek kay Ellen hanggang sa ikinasal na nga sila.

Para kay Derek, hindi raw niya ma-imagine na ang buhay niya na wala si Ellen. Pero hindi lang si Ellen, hindi na raw niya maisip paano ang buhay niya na wala si Ellen at ang anak nito na si Elias.

Sabi ni Derek sa social media post niya, “Happy happy birthday my love. So much has happened in one year and it seems to have gone by so fast. It’s true that when you are happy and enjoying life things go by so fast. Love I can’t imagine a life without you and Elias. Thank you for coming into my life. I love you more than you can ever imagine. Happy birthday biatch”

‘Yun nga lang, meron pa rin nakapansin na netizens kung bakit daw hindi binanggit ni Derek ang tunay na anak na si Austin. May nagkukuwestiyon at nagsasabing unfair naman daw kung sino pa tunay na anak, hindi kasama.

Ilan sa comments; “Ba’t Ellen and Elias lang napaka-unfair naman sa eldest mo nyan @derekramsay07 bilang ina nasaktan ako sa eldest mo na di man lang ma mention… Anak mo pa naman siya ng totoo unlike Elias.”

Pero sa isang banda, may palagay naman kami na walang intensiyon si Derek na parang iitsa-pwera ang tunay na anak na kasama niya ng matagal na. Siguro sa isip ni Derek, Austin has been with him naman talaga dumating man o hindi sa buhay niya ang mag-inang Ellen at Elias.

Rabiya nawalan ng career kay Jeric

Hindi na bago sa amin ang nabasa naming ipinost ni Nay Lolit Solis tungkol sa mag-sweethearts na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

Sinabi nito sa kanyang Instagram post na, “Inlove na inlove raw si Rabiya Mateo kay Jeric Gonzales. Talaga raw ayaw nito mawala sa paningin ang binata at gusto lagi nasa tabi niya. Bongga naman! Paano na ang career nila?”

Pinayuhan din niya na dapat daw ay mag-usap ng mabuti ang dalawa para malaman kung ano ang priority nila sa buhay. Kung career ba o gusto na raw pakasal at magsama ng mga ito with their kids, huh!

So ‘yun nga, narinig na rin namin dati na masyado raw passionate ang mga ito sa isa’t isa. More on si Rabiya raw talaga, yun nga lang, kung super in-love man sila, e, balita rin namin na palagi rin silang nagkakatampuhan na nauuwi sa cool-off kaya madalas, cool-off then balikan din daw.

Naku, e, siguro mas maganda na masiguro nilang nababalanse nila ang relasyon at career nila lalo pa nga’t malaking break kay Jeric ang “Start-Up” series at si Rabiya naman ay starting pa lang sa kanyang career bilang Kapuso.

Zanjoe bilib sa tapang ni Bela

Noong una pa lang na mabalita na magsasama sina Bela Padilla at Zanjoe Marudo, marami na ang nagulat na posible pala dahil nga sa pagkaka-link nina Bela at Zanjoe before.

Parang ang sa kanila, muntik na pero ‘di nauwi sa totohanan. Eh, sa Vivamax movie na “366” na about moving-on from break-up pa, si Bela ang nagsulat at nagdirek, for the first time.

Nang matanong tungkol sa pagsasama nilang dalawa, sey ni Zanjoe, “First time naming nag-work sa isang pelikula, at hindi ko palalampasin ‘yun kapag nabigyan ako ng ganitong klase opportunity para lang hindi tanggapin dahil may isyu ka, na wala naman akong na-feel nung in-offer sa akin yung project.

“Excited agad ako na makipag-usap kay Bela about sa story and character. Ang una ko ngang reaksiyon, ‘Puwedeng ako na lang yung character ni JC Santos? Pero hindi raw puwede,” sabi ni Zanjoe.

Bilib na bilib naman si Zanjoe kay Bela bilang director, lalo na raw sa tapang at paninindigan nito.

Ang 366 ay pwede ng ma-stream sa Vivamax simula sa April 15.

Leave A Reply

Your email address will not be published.