Una sa Balita

Paano na si Jeric Gonzales?

0 483

abante-paistaran-dondon-serminoSa chikahan with Kyline lang namin nalaman na may Darren Espanto pala sa buhay niya. Ang dami ngang comments ng mga fan na bagay sila, at kinikilig sa kanila.

“Friends po kami ni Darren Espanto. Magkakilala na kami noon pa. Palagi ka­ming lumalabas noon. Ngayon medyo busy, pero tuloy pa rin ang communication. Nagdi-DM kami.

“Pero bawal pa po ako mag-boyfriend, o magpaligaw. Okey lang na magkaibigan lang muna,” sabi niya.

Bukod sa KyRen (Kyline-Darren) hindi rin nagpapakabog ang mga fan naman nila ni Jeric Gonzales, ang KyRic fans. So, sino ba talaga? KyRic ba o KyRen?

“Kyline na lang po! Hahahahahaha!”

Teka, bakit parang kinikilig ka kay Darren?

“Wala po ito! Hahahahaha! Wala po ito! Hahahahaha!

“Magkaibigan lang po kami. May time kasi na 2 o 3 years ago na at all hindi kami nag-uusap. Pero, okey po kaming magkaibigan,” sabi niya.

Na-miss ang sabunutan kay Bianca

‘Na-miss ko ang sampalan, sabunutan kay Bianca!’

Dumaan din sa mara­ming pagsubok ang pagkakaibigan nina Kyline at Bianca Umali. Pero, natuldukan nga ang intriga sa kanila nu’ng bigla silang pinagsama sa Daig Kayo Ng Lola ko sa GMA 7 siyempre.

“Akala ko nga matatagalan kami bago magtrabaho ulit. Tinanggap ko po agad, kasi si Bianca nga po ang kasama ko. At sobrang kumportable po ako na kasama siya.

“At nu’ng nagti-taping kami ng Daig Kayo ng Lola ko, nagri-reminisce po kami ng mga nangyari sa amin sa Kambal Kari­bal. May scene kasi sa Daig… na nagsasa­bunutan kami.

“So parang na-miss din namin ang magsabunutan. Sabi ko nga, dati hinahayaan lang namin na magsabunutan kami. Ngayon kasi, hindi kami kumpor­table na sabunutan ng iba. Mas gusto ko talaga si Bianca ang sumabunot, manampal sa akin.

“Sa ngayon mas naging strong ang friendship naming dalawa. Even though ang daming pumapasok na intriga, nag-usap kami na basta magkaibigan kami,” sabi na lang ni Kyline.

Aminado si Kyline na kahit ganito ang sitwasyon niya, marami pa ring bagay na nagpapalungkot sa kanya.
“Nagpapalungkot sa akin ang mga bashers ko, at nagpapa-happy sa akin ay ang work ko, fans, Sunflowers, at family siyempre.”
May mga nagagalit din daw sa kanya, na hindi niya maintindihan kung bakit. Pero, ang Sunflowers niya ang nagpaparamdam sa kanya na okey lang ang lahat.