Una sa Balita

Paano na si Afam? Aktres may bagong kinahuhumalingan

0 570

Matagal-tagal nang artista ang ating subject. Marami na rin itong pinagdaanan sa buhay bago pa man siya nakapasok sa showbiz at nakilala.

Minsan pa siyang nakipagsapalaran sa ibang bansa. Talagang hard work ang puhunan ng ­aktres na ito, kaya naman ­nagbunga ang lahat ng ­kanyang ­pagsisikap.

Nagkaanak na ito bago pa man tuluyang nagkaroon ng lalaking makakasama niya sa buhay. Foreigner ang ­nakatuluyan nito at biniya­yaan sila ng magandang ­supling sa kabila ng kanyang edad. Larawan sila ng isang masayang pamilya, pero bakit may naulinagan kami na may bagong kinagigiliwan ang aktres? May bago na nga kayang LAB ang ating bida? Abangan na lang natin ang susunod na kabanata. (France Simeon)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy