Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paano na ang BeVico? Bea, Alden nagpakilig sa social media

0 972

Si Alden Richards nga raw ang tinutukoy ni Bea Alonzo na ‘someone’ na noon pa ay curious na siyang makatrabaho, at naganap nga raw `yon kahapon, at ‘I had a blast!’ nga ang sey ng aktres.

Anyway, back to work na nga si Bea at sobrang happy niya. Gustong-gusto nga raw niyang yakapin ang glam team niya, pero bawal nga kasi dahil sa social distancing dulot ng coronavirus.

“Today is a good day! It was my first time to go back to work after the lockdown, and I feel most alive when I’m in front of the camera. I missed working with my glam team, whom I consider as my extended family. (nonstop chikahan!).

“Also, this project is unique because it’s my first time working with someone I have been so curious about working with! And I had a blast! I feel grateful for being a part of this new family. My heart is full!” ang sabi ni Bea.

Wala namang binanggit si Bea na si Alden `yon, pero hinulaan nga ito ng mga fan, dahil pareho ngang nag-shoot ang dalawa para sa isang TVC nitong Wendesday. At base sa mga suot nila, parehong kulay ‘blue’ ang suot nila na ina-associate sa isang shampoo.

Sabi ni lisden02; “Congrats po Miss @beaalonzo and Mr. @aldenrichards02 sa new TVC nyo po can’t wait po. Kilig din ako sa someone.”

manelcarreon7: “Congrats miss Bea and Alden for new endorsement.”

lyricallyaiza1023: “Tisay and Tisoy… Excited na ako dito.”

fauwlker: “Ganun din po siguro si Alden sayo matagal na niyang idol si John Lloyd saka ikaw. Goals yun sa kanya na makasama niya idol niya hehe @beaalonzo.”

roselleserom: “Yeheyyyyy I’m so happy for ur new family? Alden? So excited na!!! Stay safe always. Queen B bagay kayo ni Mayor Vico.”

iafan2020: “Aw… sana yung 2nd time na magkaka-work kayo ulit… movie na. excited much.. love u both.”

Mga fan nina Alonzo, Richards nagrambol

Pero siyempre, sa mga ganitong eksena, hindi puwedeng puro positive lang. Of course, nandiyan agad-agad ang mga wasak trip, na walang ginawa kundi ang buwisitin, laitin ang isang artista.

Bigla kasing humirit itong si lea906654: “Ingat, ingat ka @aldenrichards02 kasi kapag yan c @beaalonzo naku sira career mo jan.

“Dami mo ng boyfriend, kapag ayaw mo na inaaway mo na, tapos post kapa sa social media para kawawa kang tingnan. Kaya ingat ka @aldenrichards02 magaling yan magpaikot ng mga lalaki c @beaalonzo. Bea malayo kayo ni Alden dahil matalino siya hindi siya gaya ng iba.

“Trabaho lang yan kaya wag mong lagyan ng malisya na may gusto sayo c Alden dahil hindi kayo bagay no. Ganun naman c Alden sa lahat very sweet. Wag mo icpin my gsto sayo c Alden.

“Someone kana agad bilis mo mag-post para akitin agad c Alden. Sorry ka na lang dahil ang bagay kay Alden respitadong babae at hindi ikaw.”

Kaloka, di ba? Ang taray, may ganun agad-agad! Inakit agad? May gusto agad? Ligawan agad? Hahahaha!

Pero siyempre, sinopla rin agad siya ng fan naman ni Bea:

seductive0784: “@lea906654 putahh ka gumawa ka pa talaga ng account mo para lang i-bash si Bea makahusga ka wagas utak mo pinasok na ng covid punong puno ka ng virus sa katawan letche ka! Iyong-iyo na si @aldenrichards02 mo walang umaagaw sayo isaksak mo sa baga mo adik ka!”

hazel28i: “What did Bea say? Tf is wrong with people. She was just curious to know and work with Alden, it doesn’t mean she likes him. Are you those decisional fans that think Alden and Maine are together and pretending they have a son lmao.”

Well, ang dami nang nadamay na utaw, di ba? Actually, ang hinala ng maraming fan, hindi naman fan ni Alden ang naninira o nagagalit kay Bea, kundi fan daw nina Julia Barretto at Gerald Anderson!

Ay, bongga! Buhay pa rin ba ang isyung `yan? Hahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.