Una sa Balita

Paano malalaman kung may titulo ang lupang nabili?

By
0 1,569

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po. Ako si Roneto isang OFW. May itanong lang po ako tungkol sa lupa na binibili ko kasi baka po ­magkaroon ng ­problema sa titulo.

Kung sakali mabayaran ko ng buo ma’am ­paano ko malaman na may titulo ang lupa o wala. Tulungan nyo po ako ma’am para hindi ­masayang ang pagod ko sa paghanap ng ­pambayad at ano ang dapat kong gawin.

Yung nagbebenta ay ­halos nakatira siya doon ng almost 25 years na daw siya at walang ­nag-claim sa lupa na yun.
Maraming Salamat po,

Roneto

Dear Mr. Roneto,

Una sa lahat ay hanapin nyo sa nagbebenta ang orihinal na titulo ng lupa na nakapangalan sa kanya. Kung wala po siyang maipakita kahit na anumang dokumento na nagpapatunay na siya ay may karapatan sa lupa tulad ng Tax Declaration para sa lupa o titulo na nakarehistro sa pangalan niya ay huwag ninyong bilhin dahil baka mapunta sa wala ang mga inipon ninyo bilang OFW.

Maaari ninyo rin ma­laman sa Tax Mapping Division na may sakop sa lupa kung iyan ba ay mayroong nagmamay-ari talaga o wala. Sabihin lamang ang address o ekastong lugar ng lupa ay maipapakita sa inyo kung iyan pa ay isang private property o nakapangalan pa sa gobyerno.

Kahit po walang nag-claim sa loob ng 25 years ngunit ito ­naman ay nakatitulo na sa iba ay hindi kailanman maaaring ariin ng nakatira roon ang lupa.

Ibang ­usapan naman po kung iyang lupa ay wala pa talagang nagmamay-ari at ang nakatira roon ng mga 10 taon o hihigit pa ay ­maaa­ring ­makapagpatitulo sa pamamagitan ng pagsampa ng ­Petition sa korte para ­mapatituluhan ang lupang kanyang na okupa ng 10 taon o higit pa.

Ngunit papatunayan pa iyan sa korte na possessor siya in good faith at matagal ng ­nakatira roon ng walang ­gumagambala. Kapag hindi po ganito ang inyong ­sitwasyon ay ­­­mag-isip muna kayo ng ilang ulit bago magbitaw ng pera.

Kung wala ­silang ­titulo o walang Tax Declaration na nakarehistro sa kanila ay ­mahihirapan ­kayong makapagpatitulo ng lupa, lalo na kung mayroon pa lang ­tunay na may ari ito.

Kung may ­katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag-email sa ­attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy