Una sa Balita

Paano magpalit ng pangalan?

0 282

Dear Attorney:

Itatanong ko lang ko po kung paano po magpalit ng pangalan? Kasi may kapangalan po ako dito sa amin tapos kaapelyido ko pa. Tapos ang dami po niyang kaso. Sabi po ng papa ko kamag-anak pa raw namin ‘yun. Nakakahiya lang po kasi pati pangalan kong pinakaiingatan ko dahil sakanya e napapahamak po. Sana po matulungan niyo po ako attorney. Please.

Marami pong sala­mat sa pagsagot niyo po at God bless po.

Kath

Ms. Kath:

May paraan naman na ang pangalan mo ay mabago. Ito ay pinapayagan ng batas at ito ay maaaring gawin nang hindi na dumudulog sa korte kundi sa Local Civil Registrar lamang kung saan ka nag-file ng Petition for Change of Name.

Ayon sa RA 904, ang mga valid reason na maaari mong magamit para mabago ang pa­ngalan mo ay ang mga sumusunod:

(1) The petitioner finds the first name or nickname to be ridiculous, tainted with dishonor or extremely difficult to write or pronounce;
(2) The new first name or nickname has been habitually and continuously used by the petitioner and he has been publicly known by that first name or nickname in the community; or,

(3) The change will avoid confusion.

Ang sitwasyon mo ay papas sa paragraph 3 kung saan nais mong baguhin ang first name mo dahil sa may kapangalan ka na mayroong iba’t ibang kaso at nadadamay ka sa pag-aakalang ikaw at ang kapangalan mo ay iisa. Ipakita lamang sa iyong petition ang mga ebidensya na ang kapangalan mo na ito ay maraming kaso at nagiging dahilan ito ng pagkasira ng reputasyon.

Kakailanganin mo ring isumite ang mga sumusunod:

a. Clearance from authorities such as clearance from employer, if employed; the National Bureau of Investigation; the Phi­lippine National Police; and other clearances as may be required by the concerned C/MCR.

b. Proof of Publication. An affidavit of publication from the publisher and copy of the newspaper clippings should be attached.

Kakailanganin mong mag-file ng petition sa Local Civil Registrar kung saan nakarehistro ang iyong kapangalan o kung ikaw ay malayo sa nasabing lugar ay maaari kang mag-file sa Local Civil Registrar kung saan ka nakatira o malapit.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 9220245/5142143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy