Una sa Balita

Paano magkaroon ng baby girl? (3)

0 572

Dear Dra Holmes: (shortened July 29 letter)
Paano po kaya magkaroon ng babae? Maraming salamt po.
Agnes

Dear Agnes:
Maraming salamat sa sulat mo na nauna na-ting pinublish noong nakaraang Lunes, Hulyo 29. Napagusapan na natin ang maaaring tumulong magkaroon ng baby girl sa pamamagitan ng mga posisyon na ginagamit ninyo habang nagsisiping at ang timing ng pagsiping ninyo. Itong huling paraan ay hindi kasing diretso ang posibleng epekto, pero ang tingin ko ay, kung gusto ninyo talaga ng baby girl, bakit hindi subukan, diba? Nanaman, iuulit ko na wala sa tatlong paraan na pinaliwanag ko (ito ang ikatlo) ay garantisado.

Ang ikatlong paraan ay tungkol sa maaaring tumulong lumikha ng kapaligiran na acidic sa ari ng babae. Bakit? Dahil tila ang mag semilya na may X kromosoma ay mas gusto ang acid kaysa sa alkaline na kapaligiran.

Konti lang ang magagawa natin para maging mas acidic ang kapaligiran ng ari ng babae; pero isa sa mga BAKA makatulong ay ating kinakain. Ang mga pagkain ni minumungkahi ko ay napag aralan na mas nakakasuporta ng mas acidic vagi-nal pH. Kasama rito ang mga green leafy vegetables, karne, mga matatamis na pagkain (to be explained in great detail la-ter), mais, at buong butil (whole grains) kagaya ng brown rice, oatmeal, popcorn. Ang kabaliktaran ng buong butil ay pininong butil (refined grains) kagaya ng white rice, white flour, white bread. Ito ay mga butil na nagdaan sa isang proseso para m­aging mapino (fine) ito at para lalong makatagal kung ipagbibili.

Mabuti ring kumain ng mga pagkain na mataas ang magnesium, kagaya ng isda at prutas.

Ang matatamis na pagkain ay mga panghimagas (dessert) katulad ng cake, kakanin, tsokolate, atbp.

Kagaya ng sinabi ko sa umpisa (at gitna, at nga-yon, sa huli) nitong mga maaaring paraan itaas ang probabilidad na magkaroon ng baby girl, hindigarantisado ang mga ito. Pero, kung gusto mo ang isang bagay, siyemre gagawin mo ang lahat para maabot mo ang iyong mga layunin, diba, Agnes? Ina-asahan ko na makakatulong ang mga nabanggit ko. Ingat at good luck!—MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/dr-margieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy