Una sa Balita

Paano magkaroon ng baby girl?

0 575

Dear Dra. Holmes: (shortened July 29 letter)
Paano po kaya magkaroon ng babae? Maraming salamt po.
Agnes

Dear Agnes:
Maraming Salamat sa sulat mo na una nating pi-nublish noong nakaraang Miyerkoles, Hulyo 29. Doon, sinabi ko na lahat tayo ay may 2 sex kromosoma: Ang kromosoma ng lalake ay XY at ang kromosoma ng babae ay XX. Para magkaroon ng baby girl, ang kromosoma niya ay kailangang ring XX. Ang isang X ay galling sa nanay, na makakabigay lang ng X kromosoma at ang isa pang X ay galling sa tatay na makakabigay ng kromosomang X o kromosomang Y. Kung ang kromosoma na nabigay niya ay kromosoma X din, baby ay magiging babae (XX). Pero, kung ang kromosoma na nabigay niya ay Y, ang baby ay magiging lalake (XY).

Para tumaas ang probabilidad na babae ang mangyayari, kailangan rin itaas natin ang probabilidad na ang X kromosoma ng lalake ang magpahiwatig—fertilize—ng egg ng babae.

May 3 mga paraan daw na nakakatulong. Ito ay posisyon habang nag se-sex, timing at isa pa na pag-uusapan natin sa Biyernes.

Dahil mabagal ang takbo ng kromosoma X ng lalake, kailangang maghanap ng paraan para makarating ito sa egg ng babae ng mas mabilis. Iwasan ang mga posisyon na mas malalim ang pasok ng ari ng lalake sa ari ng babae. In other words, iwasan ang mga posisyon na may deep penetration kagaya ng doggy style, etc. Ang pinakamagandang posisyon kung gusto ninyo ng baby girl ay yung missionary position (nasa baba ang babae, nasa taas ang lalake). Mago-google ninyo ang ibang posisyon na mababaw lang ang penetration ng ari ng lalake sa babae.

Sana po huwag nating kalimutan na ang mga paraan na ito ay HINDI garantisado. Sa Biyernes po ay paguusapan natin ang ikatlong paraan. Ingat—MG Holmes

***
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy