Una sa Balita

‘Paano magkaka social-distancing?’ Jeep bawal na sa Iloilo City

0 413

Inutos ni Mayor Jerry Treñas ang operasyon ng mga pampasaherong jeepney habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Iloilo City dahil sa banta ng coronavirus disease (Covid-19).

Mahirap umanong maipatupad ang social distancing sa mga pampublikong sasakyan tulad ng mga jeep ayon sa alkalde.

Layunin kasi ng social distancing na mabawasan ang posibilidad na makahawa ang isang taong infected ng virus sa ibang tao.

Nilinaw naman ni Treñas na ang mga jeep na magde-deliver ng mga agricultural na produkto patungo o galling sa lungsod ay maaaring makapagpatuloy sa pagbiyahe.

Kabilang sa mga public utility vehicle na pinahintulutan na makabiyahe ang bus, taxi, tricycle at pedicab dahil maaari umanong maisagawa sa mga ito ang social distancing.

Ang mga tricycle at pedicab umano ay maaari lamang sa mga local road at hindi sa mga national road. (Prince Golez)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More