Una sa Balita

Paandar ni politiko di umubra kay Jef Gaitan

0 775

Sa tsikahan namin ng talent manager na si Therese Ramos, naikuwento niya sa akin na umuwi pala sa lugar nito sa Sta. Rosa ang alagang si Jef Gaitan.

“Kasama ang parents at relatives niya sa Sta. Rosa. Noong una nga, ayaw pa sanang umuwi sa kanila dahil baka biglang magka-taping daw.

“Sabi ko, wala na talagang taping, kaya umuwi na siya sa kanila, so, bago nga ang lockdown, nakaalis din siya,” sabi ni Therese.

Kasama si Jef sa bagong afternoon series ng ABS-CBN na ipapalabas na sana simula noong Monday, pero hindi nga muna itinuloy.

Noong madalas ko nga palang kausap si Jef, walang naikukuwentong love life sa akin ang dalaga. Actually, ang alam ko, boyfriend-less siya kahit nga maraming nagkakagusto.

Pero may nagkuwento nga sa akin na isang politikong bachelor ang nagpaparamdam kay Jef, pero deadma naman daw ang sexy star. Basted agad. (Jun Lalin)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More