Una sa Balita

Paandar ang V-Day: Anne binusog, pinaulanan ng bulaklak ni Erwan

0 442

Kanya-kanyang paandar kahapon ang mga artista sa kanilang Instagram, dahil sa Valentine’s day nga.

Ang pagpapatawad sa kasala­nan nito ang laman ng Bible verse na pinoste ni Jinkee Pacquiao, kalakip ang throwback photo nila ng asawang si Sen. Manny Pacquiao.

Simpleng dinner date na walang ayos sa katawan ang pre-ce­lebration nina Aiko Melendez at Zambales Vice-Governor Jay Khonghun, pero siyempre may hawak-hawak na malalaking bouquet of flowers ang aktres.

Ang throwback photo na yakap-yakap at buhat-buhat ni Gerard Sibayan si Ai-Ai delas Alas ang pinoste ng komedyana sa kanyang IG.

Magkatabi naman sa higaan ang larawang pinoste ni Ice Seguerra sa pagbati niya ng Va­lentine’s sa asawang si FDCP Chair Liza Diño-Seguerra.

Ang inaasam na massage o masahe sa asawang si Erwan Heus­saff ang laman ng caption ni Anne Curtis, sa pinoste niyang larawan ng kanyang mister na hawak-hawak ang bouquet of flowers.

Makikita rin sa IG story ni Erwan na nagluto agad siya pagdating niya sa Australia para busugin ang kanyang misis, at siyempre, pinaulanan din ng bulaklak.

Nasarapan si Anne sa masaheng natanggap niya kamakailan lang kahit kabuwanan na niya ngayong Pebrero, at nag-wish na sana i-massage ulit siya ni Erwan.

Mga pulang rosas ang nakaposte sa IG ni Angel Locsin kalakip ang mensaheng hindi na halos siya makapaghintay na magdaos ng Valentines’ taon-taon sa piling ni Neil Arce.

Dalawang mala­laking bouquet ng mga bulaklak ang regalo ni Enrique Gil sa kanyang kasinta­hang si Liza Soberano. Gaya noon ay haling na haling sa kanyang message of love si Enrique para kay Liza.

Iba naman ang pinag-alayan ng Valentine’s ng ilang mga celebrity. Si Angeline Quinto ay sa kanyang inang si Mama Bob. Si Daniel Matsunaga ay sa kanyang ina. At si Roxanne Barcelo naman ay sa kanyang sarili.

Kapamilya nagpasalamat sa Kapuso

Kabilang ang Kapuso network sa pinasalamatan ng Kapamilya station sa suportang ipinapakita nito, sa panawagan na bigyan ng pagkakataon na makapag-franchise ulit ang huli.

Sa laman ng letter of thank you ng ABS-CBN, nabanggit ng Kapamil­ya ang Kapuso na isa sa mga nagpaparating ng suporta para sa kanila. Maituturing na isa ito sa mga rare moment na nangyari sa Philippine television industry na nagtutulungan ang dalawang magkalabang network sa halip na magtunggali.

Ilan sa mga Kapuso star ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa pagpapasara ng ABS-CBN, tulad nina Dingdong Dantes, Aiko Melendez, Jasmine Curtis-Smith, Eugene Domingo, Atom Araullo at iba pa.

Nabanggit din ang Kapatid network sa pinasalamatan ng Dos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More