Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paalam Rocky: Pangako kay Snooky ‘di na matutupad

0 233

Alam mo, Dondon (my dear editor), sobrang sad ko, actually, ginagawa ko ang column ko ngayon with a heavy heart!

Isa kasi sa itinuturing ko na dear friends ang yumao na – si Rocky Gathercole.

Noong presscon lang ng “Iconic” concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid ko lang nakilala si Rocky (September of 2019), pero sobrang naging magkatsika na kami.

Ang nagustuhan ko kasi kay Rocky, sobrang down to earth siya kahit isa siya sa maituturing na best Filipino fashion designers at kilala maging sa Hollywood.

Nang magkakilala nga kami sa ballroom ng Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City, nakaupo lang siya sa isang tabi at tahimik na tahimik. Eh, namukhaan ko siya, kaya in-approach ko siya at nagpakilala na rin.

Sabi nga niya, nandoon siya dahil susukatan niya ang Megastar. Isa raw siya sa mga gagawa ng gowns ni Sharon para sa nasabing concert.

Habang waiting pa ang lahat sa pagsisimula ng presscon, tsika-tsika muna kami ni Rocky at naikuwento ko nga sa kanya na noon ko pa siya gustong mainterbyu dahil ang ganda ng istorya ng kanyang buhay.

Kaagad ngang nag-yes sa akin si Rocky para mainterbyu siya at nagpunta pa siya sa studio ng Abante at nakilala rin siya ng big bosses naming sina Sir Rey Marfil at Sir Gil Cabacungan.

Sa interbyu na ‘yon ay very vocal si Rocky sa pagkukuwento na at the age of 14 ay lumayas siya sa lugar nila sa Pasay at napadpad sa Lawton, Manila at doon ay nagtrabaho siya sa isang nakilala niya roon na nagbebenta ng mga pagkain na kariton ang gamit.

Noon pa raw ay mahilig na siya sa mga artista at sa guesting nga niya sa “Anything Goes” Abante News Online show ko, naikuwento niya kung paanong 4:00AM pa lang noong araw ay pumipila na siya sa GMA 7 para makapanood ng “GMA Supershow” ni German Moreno (SLN) at kung saan-saang mga studio pa siya nagpupunta para makita ang mga paborito niyang artista.

Naikuwento rin niya na pati sa ilang mga bahay ng mga artista ay nagpupunta rin siya at isa nga raw sa naging mabait sa kanya noong isa pa lang siyang fan ay si Snooky Serna.

After nga ng guesting na ‘yon, tinawagan ko si Snooky para magkausap sila ni Rocky at ang saya-saya ng tsikahan nila at narinig kong sinabi ng huli sa una na gusto niyang gawan ng gown ang aktres.

Last year din, sa online guesting sa show ko ni Snooky, pinang-surprise ko pa sa kanya si Rocky at ikinatuwa ‘yon ng aktres.

Napakaraming kuwento ni Rocky tungkol sa pagiging fan niya kay Snooky noong araw.

Kahapon nga nang tawagan ko si Snooky, ang tungkol sa pagkamatay ni Rocky kaagad ang bungad sa akin ng aktres. Sobrang sad din si Snooky sa pagkamatay ni Rocky.

Namatay rin kasi si Rocky na hindi natupad ang pangarap na magawan ng gown si Snooky.

Sabi ni Snooky, “Siyempre, malaking honor din sana sa akin na makapagsuot ng creation ni Rocky, especially alam ko na gusto talaga niya akong gawan ng gown dahil ‘yon palagi ang sinasabi niya kapag nagkakausap kami.

“Sayang nga. Pero mas nasa-sad ako dahil wala na nga si Rocky. We lost a good friend. Isang mabait na tao!”

Ruffa nabigla sa pagpanaw ng designer

Sa isa sa mga kuwentuhan din namin ni Rocky, nabanggit niya na gusto rin niya si Ruffa Gutierrez. Pangarap din daw niyang gawan ng gown si Ruffa.

Nang banggitin ko ‘yon kay Ruffa, na-excite rin ang aktres.

Actually, ang bilis nga. Dahil ilang araw pa lang, magkakasama na kami.

Nag-dinner kami sa Mario’s restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City.

Kasama ni Rocky ang tinutulungan niyang young designer na si Job Dacon.

Nag-collaborate nga sina Rocky at Job sa isinuot ni Ruffa na gown sa “Opulence” event ni Raymond Gutierrez sa Solaire Hotel noong 2019. Actually, sina Rocky at Job din ang nag-collaborate para rin sa outfit ni Raymond sa nasabing event.

Sabi noon sa akin ni Rocky, sobrang saya siya na nagkasama sila ni Ruffa sa dinner na ‘yon.

Actually, noong tawagan ako ni Job para sabihing namatay na nga si Rocky, tinawagan ko kaagad si Ruffa para ipaalam sa kanya ang bagay na ‘yon.

“What?! OMG. That’s so sad,” ang gulat na reaksiyon ni Ruffa sa ibinalita ko.

Sunod-sunod nga ang tanong sa akin ni Ruffa tungkol sa pagkamatay ni Rocky at halatang sobra rin siyang nabigla.

Ay, kaka-sad talaga at nakikiramay ang Abante sa lahat ng mga naulila ni Rocky.

Sa mga gustong balikan ang interbyu namin kay Rocky, puwede ninyong mapanood ‘yon sa YouTube channel ng Abante at hanapin lang ang “Anything Goes” kasama ang international fashion designer na si Rocky Gathercole” at lalabas na ang video.

‘Yung sa surprise appearance naman ni Rocky sa interbyu ko kay Snooky, hanapin lang sa YouTube ang “Snooky Serna aminadong BIPOLAR”.

Let’s all pray for the eternal repose of the soul of Rocky Gathercole!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.