Una sa Balita

Paalam Pepe Smith

0 801

abante-i-know-better-jun-nardoNamatay na ang rock icon na si Pepe Smith kahapon sa edad na 71. Ang anak niyang sina Daisy Smith-Owen at Sanya Smith ang nagkumpirma ng pag­yao ng ama sa kani-kanilang social media account.

Sa post ni Daisy, nadala pa sa ospital ang ama kahapon pero binawian din ng buhay. Wala namang iba pang detalye sa pagkamatay ng isa sa mga OPM legend na huling naoperahan last September 2018 sa Philippine General Hospital.

Naging bokalista at drummer si Pepe ng rock group na Juan de la Cruz na nagpasikat ng mga kantang Beep Beep, Balong Malalim, Ang Himig Natin at marami pang iba.
***

Ai-Ai pasabog ang outfit sa ‘SPS’

Kabogera talaga sa outfitan si Ai-Ai delas Alas dahil ‘yung suot niya last Sunday para sa 1st Sunday PinaSaya (SPS) Awards ay panalong-panalo, huh!

Sa video ng Comedy Queen suot ang outfit, ang drama niya ay, “Pupunta ako sa famer’s market mamamalengke ako hahaha!”

Gawa ng international designer na si Rocky Gathercole ang suot ni Ai-Ai. Nagwagi naman siya ng Araw of the Day Award sa SPS. Eh sa suot niya, puwede rin siyang bigyan nga ng award bilang Super Intergalactic Award, huh!

Sa totoo lang, isa si Ai-Ai sa mga artista nating gumagastos para sa kanyang damit kapag may special occasion siyang pinupuntahan. Wala talaga siyang mintis sa pasabog sa mga costume.

Sa Valentine concert ni Ai-Ai sa Feb. 15 sa Newport Performing Arts na Hitmakers and Ai kasama sina Hajji Alejandro, Rey Valera at Marc Sison, mga bagong gowns ang irarampa niya dahil kilala siya bilang outfitera kapag may concert, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy