Una sa Balita

Paalam coach Aric!

0 633

PUMANAW na si Philippine legendary coach Aric del Rosario, 80, nitong Marso 26 dulot ng myocardial infraction o atake sa puso.

Si coach Aric ang isa sa pioneer coach ng UST Growling Tigers at nagbitbit sa koponan ng apat na sunod na kampeonato noong Dekada 90 sa UAAP Season 56 hanggang 59.

Siya rin ang kauna-unahang coach na nagwalis sa eliminayon matapos maglista ng 14-0 record taong 1993.

Bukod sa pagiging coach sa collegiate league ay umakyat rin ito sa pro-league na MBA o Metropolitan Basketball Association para sa koponang Pampanga Dragons taong 1998.

Kasabay nito ay pumalaot na rin siya sa pambansang liga ng Pilipinas na Philippine Basketball Association o PBA kung saan nagsilbi ito sa Alaska team at TNT KaTropa bilang assistant coach.

Inikot rin niya ang iba’t ibang koponan nang hawakan niya ang Philippine National team noong 2003 SEA Games kung saan kinayod nito ang 5-0 record.

Sa naunang ulat ay naging commissioner rin ito ng NCAA Philippines taong 2009-11 bago manumbalik sa pagiging coach matapos manduhan ang University of Perpetual Help System DALTA taong 2012 hanggang 2015.

Ang huling ligang sinalihan ni Del Rosario ay ang Maharlika Pilipinas Basketball League noong 2018 para sa koponang Parañaque. (Aivan Episcope)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More