Una sa Balita

Paalam basketball na ba si Chris Tiu?

By
0 736

Kung pagbabasehan ang pahayag ni Rain or Shine coach Caloy Garcia at mismong si Chris Tiu, tila nakabitin pa rin sa balag ng alanganin kung talagang tuloy na tuloy na ang pagreretiro sa paglalaro sa PBA.

Bago ang laban ng RoS at NLEX noong Sabado, putok na ang balita na huli na itong laro ni Tiu.

Sa sagupaan, ibinigay ni Tiu ang lahat at binigyan siya ng mahabang playing time ni Garcia at resulta, umiskor siya ng career-high na 30 points upang pangunahan ang RoS sa upset na panalo kontra sa NLEX 107-101.

Sa post game interview, kaagad binato si coach Caloy ng tanong na “papayagan mo bang mag-retire si Chris eh, puwedeng-puwede pa?”

Mabilis ang naging tugon ni Garcia na “ba’t magre-retire na ba? Wala kasi kaming import tonight kaya si Chris ang pinili namin.”

Pero kaagad na kumambiyo si Garcia, “I don’t know if he’s reti­ring. But with 30 points he shouldn’t retire. Desisyon niya ‘yun.”

Sabi pa ni Garcia, “management na ang bahalang mag-usap diyan. Basically, malaking tulong talaga si Chris. Pero if he won’t be pla­ying for next year at least we have to build on what we have for next year.”
Ayon kay Garcia, si Rey Nambatac ang ilalagay niya sa mababakanteng puwesto ni Tiu.

***
“We’ll see, my contract is expiring November or December this year. So I’ll talk to our bosses (Raymond Yu and Terry Que) and see what they have in mind,” sagot ni Tiu kung ire-reconsider niya ang naunang plano.

Inamin ni Tiu na nu’ng unang pumirma siya ng kontrata sa RoS, plano lang niya na isang kontrata lang na tatagal ng three years.

“Pero na-extend ‘yun ng dalawang taon na dapat tapos na ako then nakiusap na naman ang management kung puwede mag-extend uli ng isa pang taon kaya naglaro this year,” sabi ni Tiu.

Para kay Tiu, sa itinagal ng paglalaro niya sa RoS sa tingin niya ay successful naman siya.

“Fortunately it was successful season for me personally. We wish we made it to the semifinals to the finals more consistently. But on a personal note, I’m happy with my performance. Given all my other commitments I did what I could to help my team to be in the best physical shape. I thank coach Caloy because he really gave me the opportunity this year,” sabi ng 33-year-old na guard.

Sa magkasalungat na pahayag na ito ni Tiu at ng kanyang coach tila mas pabor na tuluyan na siyang magreretiro.
Sabi nga ng isang katoto natin sa sports writing, hindi na kaila­ngan ni Tiu ang maglaro pa dahil may mga proyekto siyang dapat na asikasuhin.

Baka nga ‘yung su­weldo niya sa RoS allo­wance lang niya kum­para sa kinikita niya sa kanyang mga negosyo.