Una sa Balita

PAALAM…

0 14

Nalungkot kami sa pagpanaw ng butihing ina ng magkapatid na Janice at Gelli de Belen. Isa si Mommy Susan de Belen sa mga mahal naming Mommy sa industriya.

Kahit matagal na rin namin siyang hindi nakikita dahil unlike before na madalas ay siya ang kasama, lalo na ni Gelli sa mga showbiz scheds nito, dahil naman sa Facebook ay nagkaroon kami ng pagkakataon na magkausap at mag-communicate.

Halos iisa ang nababasa namin sa mga posts o messages ng pakikiramay ng mga taong naging malapit kay Mommy Susan. Mami-miss nila ito, lalo na at ito raw ang madalas na unang bumabati kapag alam nitong kaarawan ng isang tao. Isang bagay na naranasan namin dahil sa pamamagitan ng Facebook.

Mrs. Susan   de Belen
Mrs. Susan de Belen

Pumanaw na nga ang Mommy nina Janice at Gelli pagkatapos na may ilang buwan din na nasa hospital ito, halos pagpasok ng 2016 ay madalas na nasa hospital si Mommy. Pero hindi naman ito ipinagkaingay halos ng pamilya, makikita lang minsan sa post ni Janice o ng kanyang mga apo.

Habang isinusulat namin ito, wala pa rin ipinu-post si Gelli sa kahit anong social media accounts niya, si Janice naman ay nag-post ng larawan ng Mommy niya at ang katagang “I Love you Mommy. I will miss you.”

Pero bago pumanaw ang Mommy nila, may post si Janice na larawan ng isang pigeon na diumano ay nakita ng Daddy nila na si Daddy Phillip de Be­len sa bintana ng kusina ng mga ito at pinangalanan daw na “Angel.”

Ani Janice, “My Dad found this sick pigeon in their kitchen window. He now has a new pet, he named it Angel.” Naisip namin, premonition na kaya ‘yun ng mangyayari ni Mommy Susan?

Ang panganay na apo naman nito na anak nina Janice at Aga Muhlach ang isa sa mga unang nag-post ng pagpanaw ng kanilang Lola. Ayon kay Luigi, “I would like to thank everyone who have been sending prayers and who have been helping our family through this difficult month.

Our lola, Mommy Susan, died peacefully in her sleep, this morning, 9:14am.

“We will all miss her! We love you so much mommy! You will always be in our hearts! I pray that you are in a better place now!”

Daddy Cipriano, ‘di  na makikita ang apo  kina Kean-Chynna…

Isa pang marami ang nagulat nang mabalitang namatay na ay ang ama naman ni Kean Cipriano. Bata pa ang Daddy ni Kean kaya nagulat ang karamihan na namatay ito.

Tulad ng naging dahilan ng pagkamatay ng dalawang directors, cardiac arrest din daw ang ikinamatay ng Daddy ni Kean.

Ang misis na ngayon ni Kean na si Chynna Ortaleza ang nakakamusta namin. Siyempre, deep inside, hindi naman talaga madaling maging okey lalo na at magulang ang nawala, you just get by.

Pero siyempre, pipiliting maging maayos para naman sa kanilang mga naiwan. Sabi naman ni Chynna, “Maayos naman, holding up well.”

Ngayong araw naman na ito ang magiging cremation ng daddy ni Kean at sa Evergreen sa Pasig ito ibinurol.

‘Yun nga lang, dahil bagong kasal pa rin sina Kean at Chynna, nakakalungkot lang din na kung magkakaroon ng unang anak ang dalawa, hindi na ito makikita at mahahawakan ng Daddy ng actor at lead singer ng Callalily.