Una sa Balita

Pa-lipstick event ni Vice kinabog ang China sa Guinness

0 477

abante-anything-goes-jun-lalinNakasama namin ang nanay ni Vice Ganda, si Mommy Rose, sa kasal na in-a­ttend-an ko sa L.A.

Kasama ni Mommy Rose ang panga­nay niyang anak na si Emma at si Dr. Tina Viceral na isang ENT.

Dapat pala ay kasama si Vice na a-attend ng kasal ni Jennevy Opeña na anak ng kaibigan nilang si Mary Ann Opeña pero may event siya sa Smart Araneta Coliseum para sa Vice Cosmetics Ganda for All Music Fest, kaya gumawa na lang siya ng special video paraan batiin ang mga ikinasal, sina Jennevey at Cip Macabuhay.

Anyway, nasa wedding din na ‘yon ang assistant ni Vice na si Jan Bariuad at ito ang nagkuwento sa akin na masaya ang It’s Showtime host dahil sa na-break nila ang record ng China sa Guinness Book of World Record for the most number of people applying lipstick in one place.

Bale nakakuha sila ng 6,900 na bilang at ang dating record naman ng China ay 5,840.

Kuwento pa ni Jan, dapat daw ay 7,008 ang record ng Vice Cosmetics, pero may iba na disqualified dahil hindi sila sumunod sa rules.

Bale may representatives daw ang Guinness sa event na ‘yon na nag-check sa participants.

Bukod nga pala kay Vice, nag-perform din daw sa event na ‘yon sina Yeng Constantino, Moira, Gloc-9 at marami pang iba.

Korean boy band BTS pinagkaguluhan sa LA

Naku, Dondon, medyo nawindang ako sa rami ng mga Korean fan sa downtown Los Angeles, California noong Saturday night (tanghali kahapon sa atin).

Tsinika-tsika ko ang ilan sa kanila at ikinuwento nga nila sa akin na galing sila sa Staples Center kung saan at nag-concert ang BTS isang boy band from Seoul, Korea. Sikat na sikat pala ang grupong ito, huh!

Bale Wednesday and Thursday ang first two shows nila at nagpatuloy ‘yon ng Saturday and as you read this, last show na nila (Sunday pa lang kasi sa L.A. ngayon).

Grabe ang mga fan na nagpunta sa shows nila dahil ang sabi ng isang grupo na nakatsikahan ko, sold-out daw ang four shows ng BTS.

Mabuti na lang at hindi ako fan ng K-Pop, or else, baka naghagilap din ako ng ticket para mapanood ko ang BTS, huh!

Siyempre, nag-Google ako kung ano nga ba ang BTS at nalaman ko na ang BTS ay kilala rin bilang Bangtan Boys, at isang seven-member South Korean boy band formed by Big Hit Entertainment.

Samantala, ‘yung music video ng BTS na Idol kung saan ay guest nila si Nicki Minaj ay pinagkakaguluhan ngayon sa internet.

Ruffa nagpaka-Annabelle Rama kina Lorin, Venice

Naaliw-aliw naman ako sa kuwento ni Ruffa Gutierrez tungkol sa mga anak niyang sina Lorin at Venice na um-attend ng birthday party ni Juliana Gomez noong Saturday.

Kuwento ni Ruffa, “11:30PM na, ayaw pa nilang umuwi, kaya nagpaka-Annabelle Rama ako! Tinakot-takot ko pa sila para umuwi na. Sabi nila, sila raw ang unang umalis sa party dahil nga sa akin.

“Pero they had so much fun daw. Ang saya raw ng party ni Juliana. Sobra silang nag-enjoy, kaya ayaw pa nga sana nilang umuwi.

“Then, si Julia Barretto raw, sobrang nice sa kanila. Super friendly raw.

“Sabi ko naman sa kanila, natural, batchmate ko yata ang mother ni Julia, si Marjorie (Barretto) sa (Colegio de) San Agustin. First year high school kami ni Marjorie, third year naman sina Gretchen (Barretto), Nadia (Montenegro) and Kris (Aquino),” kuwento ni Ruffa.

Ang mga anak din niya ang nagkuwento kay Ruffa na sobrang sexy si Representative Lucy Torres-Gomez na nanay ni Juliana.

In fairness nga pala sa mga anak ni Ruffa, mukhang masunurin naman sila dahil kaagad naman silang umuwi nang pagsabihan sila ng former 1993 Miss World second princess.

Parang mas matigas ang ulo ni Ruffa compared sa kanyang mga anak noong kasing-edad pa niya ang mga ito, ‘noh?!