Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pa-expire na COVID bakuna ng private ipautang sa DOH

0 202

Inihayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaaring ipahiram o ipautang ng pribadong sektor sa national government ang mga hindi nila nagamit na COVID vaccines na malapit nang mag-expire upang hindi masayang at makasagip pa ng buhay.

Ayon kay Vergeire, ang polisiya sa ‘loaning’ ay nilagdaan upang pahintulutan ang mga pibadong sektor na pumasok sa nasabing kasunduan ng pamahalaan.

“Kung meron silang pinanghahawakan na mga bakuna na near expiry na, pwede nila ‘yan i-loan sa government. Magkakaroon lang ng agreement at pag dumating na ‘yung panahon na kailangan na nila, papalitan po natin para lang ‘di masayang ‘yung bakuna na hawak nila,” paliwanag ni Vergeire.

Sa pamamagitan ng loan policy, ang pamahalaan ay makakakolekta ng 356,000 doses ng US-made Moderna vaccine mula sa private sector.

Anang DOH official, ang mga nasabing doses ay ibubuhos sa Region 4-A (Calabarzon) at Region 3 (Central Luzon).

Una dito, ilang infectious diseases specialists ang nagrekomenda sa gobyerno na gamitin ang mga bakuna na malapit nang ma-expire na binili ng private sector bilang boosters o additional doses sa mga healthcare workers, senior citizens at persons with comorbidities, upang hindi masayang. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.