Pa-booster para iwas COVID sirit uli

Hinikayat ng Department of Health (DOH) na magpa-booster shot na kontra COVID para mapigilan ang panibagong posibleng surge ng kaso.
Ito ang inihayag ni DOH infectious disease specialist Edsek Salvana dahil may posibilidad umano na muling magkaroon ng surge.
“Ang COVID naman surprises ang pinakita sa atin. Important na gamitin pa rin natin ‘yong mga tool na alam nating gumagana para masugpo ang COVID-19. Lalong-lalo na sa ‘di pa nagpapa-boost at 3 months na (after), you’re above 18 years old magpa-boost na po tayo,” ayon kay Saldana.
Nabatid na may 11.2 milyon ng 64.66 milyon fully vaccinated na indibiduwal ang tumanggap ng booster hanggang nitong Marso 15.
Sinabi ng opisyal na pinag-aaralan pa ang pagbibigay ng 4th dose sa mga immunocompromised na indibiduwal. (Juliet de Loza-Cudia)