Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P95M pautang na oxygen plant sa Sorsogon, inaprub

0 64

Inaprubahan ng Land Bank of the Philippines ang halos P95 milyon o kabuuang P94.5M na pautang sa lalawigan ng Sorsogon para makapagpatayo ng sariling planta sa medical oxygen na inaasahang magbababa ng presyo ng refilling sa P157 mula sa P490.

Ayon sa LandBank, ang medical oxygen plant ng Sorsogon ay magsusuplay sa 9 government hospitals sa lalawigan at inaasahang mapakikinabangan ng 800K residente pati na ng mga nakatira sa karatig probinsya.

Sa ngayon, kinukuha pa ng Sorsogon ang medical oxygen nito mula sa iisang supplier sa Camarines Sur.

Sabi ni LandBank president and CEO Cecilia Borromeo, buo ang loob ng bangkong pondohan ang mga pangangailangan ng healthcare services sa bansa para matugunan ang hamon ng pandemya. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.