Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P93M sigarilyo nasabat sa Subic

0 866

Tinatayang aabot sa P93 milyong halaga ng sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Subic kahapon ng umaga.

Ayon sa Bureau of Customs, nasabat ang milyon-milyong halaga ng sigarilyo sa tatlong 40-footer containers matapos ideklara ng consignee nito noong July 1, 2020 na ito ay naglalaman ng mga LED light.

Agad namang nagpalabas ng warrant of seizure and detention si Customs District Collector Maritess Martin sa nasabing kargamento.

Posibleng makasuhan ang consignee nito ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act. (Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.