Una sa Balita

P90M budget ng PCOO sa federalism, iligal — Chiz

By
0 779

KINUWESTIYON ng Senate Finance Committee panel ang paglalaan ng Presidential Communications and Operations Office (PCOO) ng P90 milyon para sa information dissemination para sa federalism.

Sa gitna nito ng pagtataka ni Senador Chiz Escudero sa pahayag ni PCOO Secretary Martin Andanar na ang pondo ay mula sa savings ng kanilang tanggapan.

Sa briefing hinggil sa National Expenditure Program (NEP), direktang tinanong ni Escudero ang economic manager team hinggil sa kampanya para sa federalism.

“Wala pa ngang approved federalism, ano ang kinakampanya natin? We don’t even know what shape, size, color, form that is. What will we disseminate?” punto ni Escudero.

Ipinaalala rin ni Escudero na alinsunod sa ruling ng Korte Suprema sa Disbursement Acceleration Program (DAP), hindi pinapayagan ang pagdedeklara ng savings sa kalagitnaan ng taon.

“I don’t recall an item in the budget on 2018 for the information dissemination campaign for fe­deralism. But accordin­g to Secretary Andanar, he aligned from their saving­s P90 million for this purpose. Under the DAP ruling, there must be an item in the budget,” diin ni Escudero.

Kinatigan naman ni Senate Finance Committee Chairperson Loren Legarda ang paha­yag ni Escudero kasabay ng mistulang patama kay Assistant Secretary Mocha Uson.

Ito ay nang sabihin ni Legarda na dapat ang paggatos ng pera ng taumbayan para sa information dissemination ay nakabatay sa komprehensibong pag-aaral at research at ginagawa sa paraan na kagalang-galang.

“I agree with Senator Chiz that when we utilize taxpayers’ money for information dissemination, it must be based on careful comprehensive study and research. And it should be done in a manner that derives respect from our constituents,” saad ni Legarda.